Sunday, April 5, 2015

Banghay-Aralin sa Filipino 7

                                             Banghay Aralin sa Filipino


I.            Layunin:
a)    Nakikilala ang mga pandiwa sa talata
b)   Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng pandiwa at nagagamit ito sa sariling pangungusap.
c)    Naisasabuhay ang pagtulong sa kapwa

II.          Paksang Aralin:
a)    “ Pandiwa”
b)   Batayang Aklat sa Filipino I Pahina 97-99
c)    Larawan, Tsart
d)    Pagtulong sa Nangangailangan
III.        Pamamaraan:

A.   Pangganyak:
·         Magpakita ng larawan ng mga taong nangangailangan ng tulong.
Itanong: Ano ang inyong nakikita sa larawan?
             Ano ang inyong nararamdaman habang tinitingnan ang larawan?
Ano ang inyong gagawing kung makadaupang-palad ninyo ang mga tao sa larawan? Paano ninyo sila tutulungan?

B.   Paglalahad ng Aralin:
·         Hayaan ang mga mag-aaral na basahin nang tahimik ang parabulang “Ang Mabuting Samaritano” (Lukas 10: 25-37).
May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihs at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyamg lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doo. Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi,

"Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."
Pagkatapos basahin, talakayin sa klase ang mga sumusunod na tanong”
1.    Ano ang ginawa sa manlalakbay?
2.    Sinu-sino ang mga taong nakakita sa kanya? Ano ang ginawa nila?
3.    Ano ang ginawa ng Samaritano nang makita niya ang sugatang manlalakbay?
4.    Kung kayo ang Samaritano, tutulungan ninyo rin ba ang manlalakbay? Bakit?
5.    Anong mensahe ang napapaloob sa parabula?

C.   Pagpapaliwanag:
Pagtuunan nang pansin ang mga salitang may salungguhit. Ilista ito sa pisara at ipabasa sa klase.
Itanong: Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit?

D.   Paghahalimbawa:
Ipaliwanag ang tungkol sa pandiwa. Magbigay ng ilang halimbawa ng pandiwa sa klase at gamitin ito sa pangungusap. Pagkatapos, tumawag ng mga  mag-aaral upang magbigay ng kanilang sariling halimbawa at ipagamit  ito sa pangungusap.

Halimbawa:                                          
1.    Nagdadasal                                           
2.    Tumutulong                                         
3.    Nagsimba                                             
4.    Iniibig                                                     
5.    Nagbibigay                                            

E.    Gawain
Gamit ang mga larawan na nasa pisara, hayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng mga pangungusap na may pandiwa.

F.    Paglalahat:
Ano ang pandiwa?
Ano ang inilalahad ng mga salitang ito?

IV.         Ebalwasyon:
Panuto:  Kopyahin at Sagutin. Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap.
1.    “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.
2.    Humingi ng paumanhin ang anak sa kanyang nagdurusang ina.
3.    At nagtanong si Jesus, "Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?"
4.    Magdaraos ng misa ang pari para sa kaligtasan ng mga biktima ng baha.
5.     "Ang taong tumulong sa kanya," tugon ng abogado. Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, "Sige ganoon din ang iyong gawin."

V.           Takdang - Aralin:

Gumawa ng hindi bababa sa sampung pangungusap na ginagamitan ng mga pandiwa. Isulat ang mga ito sa isang buong papel.

No comments:

Post a Comment