Wednesday, April 17, 2013

Banghay-Aralin sa Filipino 6 (Pagsulat ng Reaksyon)

Banghay-Aralin sa Filipino 6
                                                                                         
I. Layunin
a. Nakasusulat ng isang maikling reaksyon tungkol sa napapanahong paksa
b. Naipapahayag ang saloobin sa kapwa mag-aaral
c. Naibabangit ang mga paraan sa pangangalaga ng kapiligiran

II. Paksang-Aralin
A. Pagsulat ng Reaksyon
B. BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa p. 152
C. batayang aklat, larawan, flashcard
D. Pangangalaga ng kapaligiran

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak/Balik-Aral
Mini-Game: Pangkatin ang klase sa lalake at babae. Paunahan ang dalawang grupo sa pagtukoy sa mga salitang nasa flashcard kung ang mga ito ay salitang may kaugnay sa pandama o damdamin.
1. matamis
2. nakakatakot
3. taas
4. berde
5. kaguluhan
6. tuwa
7. gitara
8. masalimuoyt
9. mainit
10. pagkagulat

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
            Itanong: May pakinabang ba ng basura? Bakit meron? Bakit wala?
b. Pag-alis ng Sagabal
            Hayaan ang mga mag-aaral na alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
            1. bio-gas
            2. anaerobic
            3. generator
            4. planta
            5. polusyon
c. Pagbasa nang Tahimik
            Ipabasa sa mga mag-aaral ang akdang “Pakinabang sa Basura p. 152.
            Ipaalala ang batayan ng wastong tahimik na pagbasa.
d. Talasalitaan
Ihanay ang Hanay A sa Hanay B upang matukoy ang kahulugan ngmga salita.
A
B
1. bio-gas
a. isang lugar kung saan ipinoproseso ang mga panggatong upang gawing enerhiya
2. planta
b. isang uri ng panggatong na nanggaling sa mga nabubulok na bagay tulad ng gulay, prutas, dumi at iba pa
3. generator
c. pagdumi ng paligid dulot ng kapabayaan ng tao
4. anaerobic
d. mga mikrobyong nabubuhay kahit walang hangin
5. polusyon
e. ginagamit upang makagawa ng kuryente galling sa panggatong

2. Pagsusuri (Analysis)
Talakayin: 
a.       Paano nagging kapaki-pakinabang ang basura ayon sa binasang seleksyon?
b.      Ano ang  tinatawag na bio-gas?
c.       Paano nagkakaroon ng bio-gas?
d.      Saan-saan nagagamit  ang bio-gas?
e.       Anu-ano ang mga naitulong ng paggamit ng bio-gas sa kompanya ni G. Maramba?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)
            Magpakita nga dalawang larawan: isang malinis at isang maruming kapaligiran.
            Itanong: Alin sa larawan ang nais niyong mamuhay?
                         Anu-ano ang epekto ng polusyo o pagkawasak ng kapaligiran?

4. Paglalapat (Application)
Pangkatang-Gawain: (Photo Analysis)
            Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo. Bawat grupo ay may isang larawan na magiging paksa ng talakayan at pagbibigay reaksyon ng mga miyembro.
Pangkat I- Polusyon
Pangkat II- Kahirapan
Pangkat III- Kriminalidaad
Pangkat IV- Droga
Pangkat V- Edukasyon
            Ang napiling taga-ulat ang maglalahad sa klase ng reaksyon ng bawat grupo.

5. Paglalahat (Generalization)
            Bilang mag-aaral, anu-ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagsugpo ng mga suliranin sa ating kapaligiran?

IV. Pagtataya
            Sumulat ng isang talata na may di bababa sa limang pangungusap tungkol sa mga sumusumnod na paksa. Pumili lamang ng isa.
a. Yolanda
b. Selfie
c. Climate Change
d. Pope Francis

V. Takdang-Aralin

            Manuod ng balita sa telebisyon o magbasa ng isang pahayagan. Isulat ang pamagat ng balita at sumulat ng reaksyon na di bababa sa limang pangungusap. Isulat ito sa kalahating pad paper.

No comments:

Post a Comment