Sunday, May 18, 2014

Banghay-Aralin sa Filipino 7

         This will be my first time to post a lesson plan (banghay-aralin) in Filipino for Grade 7. Credit for my sister who made the draft and revised by yours truly. Hope you find this useful.




Banghay Aralin sa Filipino 7

I.                    Layunin:
  1. Natutukoy ang mga tauhan sa kuwento.
  2. Nakasusulat ng mga karanasan sa pagbibinata/pagdadalaga
  3. Napapahalagahan ang responsibilidad bilang isang tinedyer.
II.                  Paksang Aralin:
Maikling Kuwento; “ Bagong Taon na Binatilyo na Ako”,
Batayang Aklat sa Filipino I dd. 92-94
Kagamitang Panturo: DVD player, flashcard, character map
Value Focus: Pagpapahalaga sa responsibilidad bilang tinedyer.
III.                Pamamaraan:
A.      Pangganyak:
Magpakita ng ng maikling video clip tungkol sa pagbibinata/pagdadalaga.
Pagkatapos, itanong ang mga sumusunod:
1.      Nakakaugnay ba kayo sa inyong napanood?
2.      Anong naalala ninyo habang pinapanood ang video?
3.      Anong mga pagbabago ang inyong naranasan ng sumapit kayo sa edad na 13?
A.1 Pag-alis ng Sagabal
Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin sa pangungusap.
1.      Humudyat         4. Musmos                 7. Sapitin
2.      Inaasam             5. Nakatutulig
3.      Binatilyo            6. Aatupagin
B.      Pagbasa ng Tahimik
Bigyan ang mga mag-aaral ng dalawang minuto para basahin ang teksto.
C.      Talakayan:
Pagkatapos ang pagbasa ng kuwento, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1.      Ano ang pamagat ng kuwentong ating binasa?
2.      Sinu-sino ang mga tauhan?
3.      Sino si Sammy? Ilarawan
4.      Naransan din ba ninyo ang naranasan ni Sammy?
5.      Maituturing ba ninyong si Sammy ay isang tepikal/normal na tinedyer? Bakit?
6.      Kung kayo ang mga magulang ni Sammy, ano ang maipapayo ninyo sa kanya?
7.      Anong impresyong naiwan sa inyo pagkatapos ninyong basahin ang teksto?
8.      Kung bibigyan kayo ng pagkakataong magbigay ng wakas, ano ang nais ninyong maging wakas nito?
D.     Pagsasanay:
Pangkatin ang klase sa dalawa at ipakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan kung ano ang nararanasan ng isang tinedyer.
E.      Paglalapat/ Aplikasyon:
Paggawa ng Character Map
                        Base sa ginawang character map ano ang masasabi tungkol kay Sammy?
                  F.Paglalahat;
                        Natural lang ba sa isang tinedyar ang mga ganitong kaganapan na nangyayari sa kanyang buhay? Bakit?
                        Bilang isang tinedyer, paano ka magiging responsable sa iyong sarili, pamilya at komunidad?
                  IV.             Ebalawasyon:
                   A. Isulat ang salitang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay naganap sa kuwento at MALI kung hindi.
                   1.            Natapat sa bagong taon ang kaarawan ni Sammy.
                   2.            Si Sammy ay magdiriwang ng kanyang ika-16 na kaarawan.
                   3.            Si Jenny ang dahilan ng mga pagbabago ni Sammy.
                   4.            Kinasasabikan ni Sammy ang paghudyat ng orasan sa ika-12.
                   5.            Sinang-ayunan ni ate Beth at tatay ni Sammy ang lahat ng kanyang mga plano kung siya ay 13 na.
                 B.            Magtala ng 5 karanasan ng pagbibinata/pagdadalaga.

                V.            Takdang-Aralin:
                 Mag-ulat ng isang karanasang nagaganap sa kasalukuyan. Pag-usapan sa klase kung ang ulat ay batay sa kaisipan ng isang tinedyer.












3 comments:

  1. pwedi po bang pa ki post ng buod ng "Bagong Taon na, Binatilyo na Ako."? kailangan ko po kasi sa demo teach ko...ty po...Godbless

    ReplyDelete
  2. Maraming Salamat. Malaking tulong po ito. :)

    ReplyDelete