Banghay
Aralin sa Filipino 11
I. Layunin
Pamantayang
Pangnilalaman:
·
Nasusuri
ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, lomunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan
sa Pagganap:
·
Nasusuri
ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t ibang teksto.
Mga
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang paksang tinalakay sa
iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)
Batayang
Kasanayan:
·
Nalilinang
ang ksanayan at kaalaman sa proseso ng pagsulat
·
Nakasusulat
ng isang payak at masining na tekstong argumentatibo
·
Nauunawaan
ang mga pamantayan sa pagsulat ngtekstong argumentatibo’
·
Naiuugnay
ang mga kaisipang nakikita at napakinggan sa sariling karanasan
II. Paksang-Aralin
A.
Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo
B.
Dayag, Alma M., del Rosario, Mary Grace G.(2016). Pinagyamang Pluma. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. QC:Phoenix Publishing
House,
pp.
89-111
C.
Chart, TV, Laptop, Manila paper
D.
Pagtutulungan/Paggalang sa Opinyon ng Iba
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Laro:
Charade
·
Pangkatin
ang mga lalake at babae.
·
Ang
dalawang pangkat ay pipili ng isang miyembro na bubunot ng papel kung saan
nakasulat ang mga isyung panlipunan (korapsyon, aborsyon, atbp) na maaring
maging paksa sa pagsulat ng tekstong argumentatibo.
·
Bawat
pangkat ay bibigyan ng isang minuto upang iarte ang nabunot na paksa.
·
Ang
pangkat na may pinakamaraming tamang sagot ay siyang panalo sa laro.
·
Pagkatapos
ng laro talakayin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang
pinahuluaan sa laro?
2. Mahalaga ba itong pag-usapan at
bigyang-pansin bilang mag-aaral? Bakit?
3. Kung ikaw ay nasa kinauukulan,
ano-ano ang maaring gawin sa mga maiinit na paksang ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (ACTIVITY)
a.
Paglalahad ng Aralin: Video Presentation
·
Ipanood
sa kanila ang isang video na may pamagat “Paggamit ng mga Hayop sa Pananaliksik
ng Makabagong Gamot”.
·
Pagkatapos
ng video ay ipanood ang isang slide presentation ukol sa paksang pinanood na
naglalahad ng tekstong argumentatibo.
2. Pagsusuri (ANALYSIS)
·
Talakayin:
a) Ano-ano ang nilalaman ng
video at ng lathain na nabasa?
b) Paano napanindigan ng
video/lathain ang nais nitong mapabatid sa manonod?.
c) Ano-ano ang mga datos o
impormasyon na ibinigay upang mahikayat ang manood/mambabasa?
d) Bakit mahalaga ang
pagbibigay ng datos o impormasyon upang mahikayat ang mambabasa/manonod?
·
Ipaliwanag
na ang tekstong napanood/nabasa ay halimbawa ng tesktong argumentatibo.
3. Paghahalaw at Paghahambing (ABSTRACTION
AND COMPARISON)
Magpakita
ng Venn diagram na naglalahad ng ugnayan Tekstong Argumentatibo at Tekstong
Persuweysib.
Itanong:
Batay sa Venn diagram, ano ang
tekstong arguemntatibo?
4. Paglalapat (APPLICATION)
Pangkatang
Gawain:
Balikan
ang mga paksang ginamit sa pagganyak.
·
Bawat
pangkat ay magkakaroon ng brainstorming
upang makapagsulat ng isang tekstong argumentatibo.
·
Maaring
silang bigyan ng outline sa magiging bahagi ng kanilang tekstong argumentatibo
tulad ng nasa sa ibaba.
·
Ipaalala
ang mga dapat tandaan sa isang pangkatang gawain tulad ng pagtutulungan at
paggalang sa opinyon ng kapwa miyembro.
Panatilihin din ang kaayusan at kalakasan ng boses habang
nagtatalakayan.
Paksa/Pamagat: |
|
Unang
Talata |
Panimula |
Ikalawang
Talata |
Kaligiran |
Ikatlong
Talata |
Ebidensiyang
susuporta sa posisyon. (
Maaring magdagdag ng maraming talata kung maraming ebidensya.) |
Ikaapat
na Talata |
Counter-Argument (Ilahad
ang lohikal na dahilan na sasagot sa mga hindi sasang-ayon sa iyong
argumento) |
Ikalimang
Talata |
Unang
Konklusyon |
Ikaanim
na Talata |
Ikalawang
konklusyon na sasagot sa tanong na, “E
ano ngayon kung ‘yan ang iyong posisyon?” |
·
Bawat
pangkat ay pipili ng reporter na magbabasa ng kanilang naisulat na tekstong
argumentatibo.
·
Bigyang
ang mga mag-aaral ng pagkakataon na magbigay ng puna o suhestiyon sa mga
nabasang teksto.
5. Paglalahat (Generalization)
Itanong:
·
Ano
ang tekstong argumentatibo?
·
Bakit
sinabing hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatubo at tekstong persuwaysib?
·
Bakit
mahalaga ang mga tekstong argumentatibo sa mga usaping panlipunan?
IV. Pagtataya
Ibigay ang mga sumusunod na paksa at
hayaan ang mga mag-aaral na pumili ng isa upang gawan ng tekstong
argumentatibo.
Diborsyo
NCoV
Fake News
Paghahanda sa Kalamidad
Teenage Pregnancy
V. Kasunduan
Mangalap sa mga lumang diyaryo na may
mga tekstong argumentatibo at basahin ito sa susunod na pagkikita.
Inihanda
ni:
MARYNELL L. OCLARES
SST-III
Iloilo
City National High School
Inaprobahan
ni:
MA. MAE S. ALMINAZA’
Asst. Principal II
Iloilo
City National High School
No comments:
Post a Comment