Thursday, January 15, 2015

4As Banghay-Aralin sa Filipino III (Pinagsanib sa Sibika at Kultura)

Banghay-Aralin sa Filipino III (Pinagsanib sa Sibika at Kultura)

I. Layunin
a. Natutukoy at napag-uuri ang pangngalan ayon sa pantangi o pambalana
b. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong nabasa
c. Nakikilala ang mga babaeng bayaning Pilipino

II. Paksang-Aralin
A. Tangi at Karaniwang Pangngalan
B. PELC Pakikinig at Pagsasalita; Kayumanggi 3 Wika pp. 49-61
C. pisara, larawan ng mga bayani
D. Pagkilala sa mga bayaning Pilipino

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
            Magpakita ng larawan ng mga bayani at pag-usapan ang mga ito.
            Itanong: Sinu-sino ngayon ang mga maituturing nating bayani?

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
Ipabasa ang talata tungkol sa mga bayaning Pilipino. Ipaalala sa mga mga mag-aaral ang mga dapat gawin kun nagbabasa nang tahimik.
           
Alamin ang kahulugan ng mga mahihirap na salita sa babasahing talata tulad ng mga sumusunod:
            malaya             kilusan             bantog              kongregasyon              kawanggawa   
           
Mga Babaeng Bayani

Sa ating malayang bayan ay may demokrasya. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat, lalaki man o babae. Marami tayong mga dakilang tao at bayaning babae na ang iba ay hindi gaanong kilala. Balikan natin ang dakong ito sa kasaysayan.
Nariyan si Melchora Aquino na lalong kilala sa taguring Tandang Sora. Siya ang kinilalang Ina ng Katipunero. Napakalaki ang kanyang naitulong sa Kilusang Katipunan noong panahon ng Himagsikan laban sa pamahalaang Kastila.
Mababanggit din si Marcela Agoncillo na tumahi ng unang bandilang Pilipino.
Si Librada Avelino naman ay napabantog sa larangan ng edukasyon.
Si Teodora Agoncillo ay ina ng ating pambansang bayaning si Dr. Joe Rizal.
Si Margarita Roxas de Ayala ay nakilala sa larangan ng pagkawanggawa at industriya.
Si Mother Ignacio del Espiritu Santo ang nagtatag ng unang kongregasyon panrelihiyon para sa kababaihang Pilipina.
Si Patrocino Gamboa ay isa ring bayani mula sa bayan ng Jaro, Iloilo.
Si Gregoria de Jesus ay tinaguriang Lakambini ng Katipunan.
Si Trinidad tecson ay napabantog sa taguring Ina ng Biyak na Bato noong panahon ng Himagsikan.
            At di makakalimutang banggitin si dating president Corazon Aquino.
            Maganda rito sa ating bansa. Ang lahat ay may karapatang tumalino, umunlad at maghawak ng tungkulin.


2. Pagsusuri (Analysis)
            Pag-usapan ang mga kontribusyon nga mga bayani sa talatang binasa.
            Itanong: Dapat ba nating tularan ang mga babaeng bayani? Ipaliwanag ang sagot.
            Talakayin ang mga pangngalang nabanggit sa binasa.
            Pangkatin ang mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik at maliit na titik.
           
Halimbawa:
           
Nagsisimula sa malaking titik
Nagsisimula sa maliit na titik
Melchora Aquino
Teodora Alonso
Librada Avelino
Patrocinio Gamboa
bayani
bansa
bandila
babae
                                   
Talakayin kun ano ang mga pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)
             Itanong: Saan nagsisimula ang mga ngalan ng tao, bagay lugar at pangyayari?
                           Anu-ano ang mga panandang ginamit sa pangngalang pantangi  at pangngalang pambalana?
            Gumawa ng isang graphic organizer tulad ng Venn diagram or matrix chart para maihambing ang dalawang uri ng pangngalan.

4. Paglalapat (Application)
            Kumpletuhin ang chart.                      
Pantangi
Pambalana
Joseph Estrada
?
?
paaralan
?
aktres
SM City
?


5. Paglalahat (Generalization)
            Ano ang pangngalang pantangi? Pangngalang pambalana?
            Sa anong titik nagsisimula ang pangngalang pantangi? Pambalana?

IV. Pagtataya
Basahin at kopyahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang mga pangngalang pantangi at ikahon ang mga pangngalang pambalana.
1. Sina Danilo at Nena ay pumunta sa simbahan.
2. Ang mga nanay ay may dalang meryenda.
3. Nagdala din sila ng upuan at pamaypay.
4. Si Fr. Jose Reyes ang pari sa misa.
5. Ang mga tao ay masayang umuwi sa kanilang mga tahanan.


V. Kasunduan
             Gumawa ng tatlong pangungusap na may pangngalang pantangi at pambalana. Salungguhitan ng isang linya ang pangngalang pantangi at dalawang linya ang pangngalang pambalan. Isulat ang mga ito sa kwaderno.


P.S. Ang banghay-aralin na ito ay batay sa Primer ng 2002 Basic Education Curriculum mula sa libro nina Corpuz, Salandanan at Rigor (2007) maliban sa Paghahalaw at Paghahambing at Pagtataya.

1 comment: