Banghay-Aralin
sa Filipino 6
I. Layunin
a.
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang narinig batay sa paraan ng pagsasalita
b.
Naibibigkas ang tula nang maayos at makabuluhan
c.
Naipapahayag ang pagkalinga sa kalikasan
II. Paksang-Aralin
A.
Pagbibigay Kahulugan sa mga Salitang Narining
B.
BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa p. 130
C.
batayang aklat, larawan, Venn diagram
D.
Pagkalinga sa kalikasan tungo sa kaunlaran
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng tatlong larawan:
larawan ng mga bata, kalikasan at maunlad na lungsod
Itanong: Anu-ano ang ipinapakita ng
larawan? Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
a.
Paglalahad ng Aralin: Pakikinig sa Tula
Bigkasin ang tulang “Kabataan,
Kalikasan, Kaunlaran”, Landas ng Pagbasa, pahina 130 habang ang mga mag-aaral
ay nakikinig.
Ipabatid ang kahalagahan nang buong
atensyon at pakikinig nang mabuti.
2. Pagsusuri (Analysis)
Talakayin:
a) Paano niyo ilalarawan ng
kabataang tinutukoy ng tula?
b) Paano ginagamit ng kabataan ang
kanilang talino?
c) Ano ang tinutukoy ng handog sa
atin ng kalikasan?
d) Ano naman ang maari nating ibigay
sa kalikasan?
e) Ano ang pangarap ng kabataan sa
kalikasan?
3. Paghahalaw at Paghahambing
(Abstraction and Comparison)
Magpakita ng Venn diagram na
naglalahad ng ugnayan sa Kabataan, Kalikasan at Kaunlaran.
Itanong: Sa tingin niyo ba’y may
kaugnayan ang isa’t isa? Sa anong paraan?
4. Paglalapat (Application)
Sagutin ang gawain pahina 131,
Landas ng Pagbasa 6. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Basahin
muli ang mga linya ng tula upang lubos na matukoy ang tamang kahulugan.
5. Paglalahat (Generalization)
Ipabigkas muli nang sabay sa mga
mag-aaral ang tulang Kabataan, Kalikasan, Kaunlaran.
IV. Pagtataya
Pakinggang mabuti ang bawat taludtod
ng tula. Pumili ng pinakamalapit na kaisipang inihahatid ng bawat taludod ng
tula. Isulat ang sagot sa testnotebook.
(Landas
ng Pagbasa, pahina 132-133)
V. Takdang-Aralin
Gumawa ng sariling tula tungkol
sa kalikasan, kaunlaran at kabataan. Isulat ito sa buong papel.