Monday, December 16, 2013

Banghay Aralin sa Filipino 6 (Salitang Pandama at Damdamin)

Banghay-Aralin sa Filipino 6
                                                                                         
I. Layunin
a. Napag-uuri-uri ang mga salita ayon sa mga salitang kaugnay ng pandama o damdamin
b. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong nabasa
c. Naipapahayag ang pakikipagbati sa kaaway

II. Paksang-Aralin
A. Pag-uuri-uri ng mga Salita
B. BEC Handbook in Filipino pp. 42-48; Landas ng Pagbasa pp112-113, 146
C. batayang aklat, larawan, graphic organizer
D. Pakikipagbati sa Kaaway

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
            Magpakita ng larawan ng isang Ifugao.
            Itanong: Anu ang nakikita niyo sa larawan? Saang lugar sa Pilipinas naninirahan ang tao sa larawan?

B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
            Itanong sa mga mag-aaral ang mga nalalaman nila sa epiko. Ipaliwanag kung ano ang epiko at ang kadalasang kinikwento rito.
b. Pagbasa nang Tahimik
            Ipabasa sa mga mag-aaral ang kwnetong “Aliguyon” pahina 109 ng aklat.
            Ipaalala sa mga mag-aaral ang batayan sa tahimik na pagbabasa.
c. Talasalitaan
Bago talakayin ang kwento, ipagawa ang gawain sa pahina 112 ng aklat.
Ipaugnay sa mga mag-aaral ang mga magkasalungat na mga salita.
1. nalupig                                 a. taksil
2. nagdiwang                           b. pagkainip
3. matapat                                c. mapayapa
4. pagkawili                             d. naghihinala
5. naligalig                               e. nanalo
6. nagdarahop                          f. nagluksa
7. nagtitiwala                           g. masagana
8. kinaiinisan                           h. bulagsak
9. matipid                                i. kaguluhan
10. kapayapaan                                   j. kinagigiliwan

2. Pagsusuri (Analysis)
Talakayin: 
a.       Ano ang malaking pangamba ni Antulao sakaling siya ay mamatay?
b.      Paano ginapi ni Aliguyon ang kaaway ng kanyang ama?
c.       Bakit humanga si Pumbakhayon kay Aliguyon?
d.      Anong bahagi ng salaysay ang may eksaherasyon at tila di kapani-paniwala?
e.       Ano ang maaring mangyari sa dalawang tribu ng Daligdigan at Hannanga matapos na magkaisang-dibdib sina Aliguyo at Bugan?

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)
a. Clustering
Subukang papangkatin sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na salita sa dalawang grupo. Hayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng batayan sa pagpapangkat ng mga salita.

tribu                 lambak             bolol    pakikipagkaibigan        matapang         kabayanihan
kaaway                        gong     pangamba        tapuy   humanga          kapayapaan

Itanong: Ano ang pagkakatulad nga mga salita? Pinagkaiba?
Ipaliwanag na ang mga salita ay maaring pangkatin sa dalawa: mga salitang kaugany sa pandama at salitang kaugnay sa damdamin.

4. Paglalapat (Application)
Tukuyin ang mga salitang magkaugnay. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong.
1. ligaya           (pangamba, takot, pagdiriwang)
2. epiko           (Bathala, Aliguyon, Ina)
3. tribu             (anak, kawal, kaibigan)
4. ginapi           (naganyak, nagalak, nilupig)
5. Ifugao          (dagat, bundok, lungsod)

5. Paglalahat (Generalization)
            Ano ang mga salitang may kaugnay sa pandama? Sa damdamin?
Pagpapahalaga: Sa inyong palagay, mabuti baa ng kinahihinatnan ng epikong Aliguyon?
                         Kung kayo ang tauhan sa epikom, pipiliin niyo bang makipagkaibigan sa inyong kaaway o makipaglaban?

IV. Pagtataya
Isulta ang P kung ang salita ay may kaugnayan sa pandama at D kung may kaugnayan sa damdamin.
1. kabutihan
2. naakit
3. nasisiyahan
4. sibat
5. kaaway
6. umiinig
7. araw
8. panalangin
9. magkaibigan
10. maganda

V. Takdang-Aralin

            Gumuhit ng isang larawan tungkol sa epikong nabasa. Sa ibaba ng larawa isulat ang isang pangungusap gamit ang salitang kaugnay sa pandama at damdamin. Iguhit ito sa isang short-sized bond paper.

No comments:

Post a Comment