Banghay Aralin sa Ikalawang Taon
Pakitang Turo
Marso 3, 2011
I. Layunin:
1. Nakikilala ang iba’t- ibang sining sa Asya.
2. Nakabubuo ng mga pangungusap na patanong batay sa pangungusap sa pisara.
3. Napapahalagahan ang sining sa Asya.
II. Paksang Aralin:
Ang Sining sa Asya; Tekstong Ekspositori
Mga Pangungusap na Humihingi ng Impormasyon
Ang Bagong Filipino sa Hayskul II
p. 223-229
Kagamitang Panturo: Larawan, Flashcard Dayagram
Value Focus: Pagpapahalaga sa Sining
III. Pamamaraan:
A. Pangganyak:
( Aktibidades)
Ipaayos ang mga ginupit na larawan sa mga mag-aaral upang mabuo ang larawan ng iba’t- ibang sining sa Asya. Tutukuyin nila kung ano ang mga ito at itatanong ng guro kung mayroon silang ideya sa mga larawan.
B. Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. mandudula
2. katedral
3. pabula
4. papet
5. teatro
6. templo
Gamitin sa sariling pangungusap.
C. Paglalahad ng Aralin:
1. Paglalahad ng guro ng paksang-aralin.
2. Pagpapabasa ng teksto.
3. Pangkatang Gawain.
Ibigay ang kahulugan ng sining gamit ang dayagram.
D. Pagtalakay sa Aralin:
( Analisis)
1. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?
2. Ibigay ang iba’t- ibang uri ng sining na binanggit sa teksto.
3. Lahat ba ng makikita nating makulay at may disenyo ay matatawag na produkto ng sining?
4. Isa-isahin ang mga likhang sining na naipagmamalaki ng Asya.
6. Anu-anong pahayag na ginamit sa teksto ang nangangailangan ng kasagutan? Impormasyong nais malaman?
7. Batay sa pagkasulat sa teksto, ano ang masasabi ninyo sa katauhan ng may akda bilang mamamayan. Patunayan.
8. Ibigay ang panandang ginamit sa pagtatanong.
9. Anong kaisipan ang mahahango sa teksto?
10. Bilang mag-aaral paano ninyo mapapahalagahan ang sining sa Asya?
E. Paglalapat:
( Aplikasyon)
Punan ng angkop na kasagutan ang bawat hanay:
Uri ng Sining
|
Kasanayan(Kilos)
|
Bahagi ng Katawang Ginamit
|
Kagamitan
|
Bilang mag-aaral, paano mo masasabing malaki ang kontribusyon ng sining sa Asya?
F. Paglalahat:
Ang guro ay magbibigay ng katuturan ng tekstong exposotori. Babasahin ng mga mag-aaral ng sabay- sabay at ipakopya sa kuwaderno.
IV. Pagtataya:
Panuto: Sa isang ½ papel, bumuo nga mga patanong na pangungusap batay sa isinisaad na impormasyon ng bawat pahayag. ( 2 puntos bawat bilang)
- Paghahalimbawa:
- Humakot ng maraming parangal si Lea Salonga sa larangan ng pag-awit at pag-arte maging sa ibang bansa.Sinong Pilipinang humakot ng maraming parangal sa ibang bansa?
- Isang obra maestrang maituturing ang hagdang-hagdang palayan gawa ng mga Ifugao.Ano ang nag-udyok sa mga mamamayan upang lumikha ng isang obra-maestrang gaya ng hagdang-hagdang palayan?
- Isang masayang karanasan ang malibot ang magagandang tanawin ng ating bansa.Anong damdamin ang mararanasan kapag nalibot ang magagandang tanawin ng bansa?
- Hinangaan at kinilala ang kagalingan ni Fernando Amorsolo sa pagpinta.Sino ang hinangaan at kinilala sa larangan ng pagpinta?
- Ika -12 ng Hunyo 1962 nang pagkalooban si Amado V. Hernandez ng bansa ng gawad bilang Pambansang Alagad ng Sining.Kailan ipinagkaloob ky Amado V. Hernadez ang gawad bilang Pambansang Alagad ng Sining?
- Nag-aral ng iba’t-ibang sayaw sa ibang bansa si Fransisca Reyes Aquino.Saan nag-aral ng iba’t- ibang sayaw si Francisca Reyes Aquino?
- Isang pulo sa labas ng look ng Maynila ay Corregidor. Ito ang ginamit ng mga Pilipinong sundalo sa pagtatanggol ng bansa.Ano ang tawag sa isang pulo sa labas ng look ng Maynila?
- Sa EDSA naganap ang makasaysayang People Power Revolution noong Pebrero 22-25 1986.Saan naganap ang makasaysayang People Power Revolution?
- Milyong- milyong halaga ang ninakaw ng ilang opisyales ng gobyerno sa kaban ng bayan.Magkano ang halagang ninanakaw sa kaban ng bayan?
- Nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino para sa kalayaan ng bansa.Sino ang nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan?
- Walang kapantay ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga tao.Gaano kamahal ng Diyos ang tao?
- Sa husay at galing sa boksing kaya namayagpag ang pangalan ni Manny Pacquiao sa larangan ng isports.Paano nakilala sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao?
- Tuwing ika-30 ng Disyembre ginugunita ng bawat Pilipino ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal.Kailan ginugunita ng mga Pilipino ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal?
V. Takdang- Aralin:
Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa. Sumulat ng talata batay rito na ginagamitan ng mga patanong na pangungusap. Isulat sa isang buong papel at ipasa sa susunod na pagkikita.
- Musika, Buhay at Kaluluwa ng Isang Nilalang
- Sayaw, Naglalarawan ng Pamumuhay at Kaugalian
- Pagpinta, Kulay at Hugis ng Buhay
(Credit to Nina Losabia for this Lesson Plan)
malaking tulong ito! :)
ReplyDeletethank u sir for sharing ur blessings
ReplyDelete