Let me just share this lesson plan I made back in college days. This lesson plan actually is in 4As format which was my favorite format back then. But when I became a teacher, I grew tired with this format because it is quite tedious to make...hehe...I have become dependent on lesson guides since being a teacher you know isn't just teaching. There are a lot of paper works aside from preparing lesson plans so I hope everybody understands. hehehe
Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan IV
I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga batas para sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino at ang mga isinasaad nito
b. Nakikilala ang mga programa sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino kabilang ang mga ahensya at mga Pilipinong nagtataguyod ng ating kultura
c. Naipapakita ang paghanga sa mga Pilipinong may malaking naiambag sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
II. Paksang-Aralin
A. Pagtataguyod at Pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino
B. Kapaligirang Pilipino 4, pp 230-245
C. batayang aklat, larawan, flashcards, graphic organizers
D. Pagpapahalaga at Pagpapaunlad ng Kultura
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral (Materyal at Di-Materyal na Kultura)
Magpakita ng mga larawan ng materyal at di-materyal na kultura gamit ang flashcards.
Sabihan ang mga mag-aaral na sila ay tumayo kung ang larawan ay nagpapakita ng materyal na kultura at manatiling nakaupo kung di-materyal.
Itanong: Alin sa mga kulturang ipinakita sa inyo ang dapat pangalagaan at ipagpatuloy? Bakit?
Ano sa tingin niyo ang dapat pahalagahan: material o di material na kultura? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Mga Gawain (Activity)
a. Mga Batas sa Pagtataguyod ng Kultura
Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang batayang aklat pahina 232-234.
Itanong: Anu-ano ang mga batas para sa pagtataguyod ng kultura? Bakit ginawa ang mga batas na ito?
Gamit ang isang matrix chart, hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin ang mga isinasaad sa mga batas sa pagpapaunlad ng kultura.
Halimbawa:
Batas
|
Mga Isinasaad
|
Batas Republika Bilang 284
|
Nagtatakda na ang Pambansang Museo ang taguan ng mga bagay at ari-ariang pangkultura
|
Atas ng Pangulo Bilang 370 at 260
|
Kinilala ang ilang makasaysayng pook at gusali bilang pambansang dambana o bantayog
|
Ilahad ang iba pang batas na nagtataguyod ng kulturang Pilipino. Ipabas sa mga mag-aaral ang tsart pahina 234 ng aklat.
Itanong: Sa palagay niyo ba’y mahalaga ang mga batas na ito sa pagpapaunlad ng kultura? Bakit?
b. Mga Programa sa Pagpapaunlad ng Kultura
Ipabasa nang tahimik ang pahina 236-238 ng aklat.
Ilahad ang mga ahensyang pangkultura sa pamamagitan ng semantic web.
Itanong: Anu-ano ang mga ginagampanag papel ng mga ahensyang nabanggit sa pagpapaunlad ng ating kultura?
c. Mga Pilipinong Nagtataguyod ng Kultura
Magpakita ng mga larawan ng mga sumusunod na personalidad:
a. Fernando Amorsolo
b. Levi Celerio
c. Fernando Poe Jr.
Itanong: Sinu-sino ang mga tao sa larawan? Anu-ano ang mga naiambag nila sa kulturang Pilipino?
Gamit ang tree diagram, papunuan sa mga mag-aaral ang mga parangal na iginagawad sa mga Pilipinong may malaking ambag sa kultura.
2. Pagsusuri (Analysis)
Itanong: Karapat-dapat bang bigyang parangal ang mga taong tumutulong sa pagpapaunlad ng ating kultura? Bakit?
Dapat ba natin silang tularan? Ipaliwanag ang sagot.
3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)
Hayaan ang mga mag-aaral na pag-aaral ang Venn diagram na nagpapakita ng ugnayan nag mga batas at mga programa sa pagpapaunlad ng kultura.
Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng Venn diagram?
4. Paglalapat (Application)
Pangkatin ang mga Pilipinong ginawaran ng Pambansang Alagad ng Sining gamit ang Semantic Web.
5. Paglalahat (Generalization)
Ipabasa ng koro sa mga mag-aaral ang pagbubuod sa pahina 239 ng aklat.
Itanong: Bilang isang mag-aaral, anu-ano ang inyong magagawa sa pagpapaunlad ng ating sariling kultura?
C. Pangwakas na Gawain
Magpatugtog ng “Pinoy Ako” ng Orange and Lemons at hayaan ang mga mag-aaral na sumaliw sa kanta.
IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Ano ang Natutuhan Mo letra A at B sa pahina 239-240 ng aklat.
V. Kasunduan
Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng iba’t ibang paraan sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng kultura. Iguhit sa isang short-sized bond paper.